Matthew 22:34-40

Ang Pinakamahalagang Utos

(Mar. 12:28-34; Luc. 10:25-28)

34Nang mabalitaan ng mga Pariseo na walang magawa ang mga Saduceo kay Jesus, nagtipon silang muli at lumapit sa kanya. 35Isa sa kanila, na tagapagturo ng Kautusan, ang nagtanong kay Jesus upang subukin siya, 36“Guro, ano po ba ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” 37Sumagot si Jesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.’
Deu. 6:5.
38Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat. 39At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’
Lev. 19:18.
40Ang buong Kautusan ni Moises at ang mga isinulat ng mga propeta ay nakasalalay sa dalawang utos na ito.”
Lev. 19:18.


Copyright information for TglASD